Sa Ulan...
*tak*
*Beep* *Beep*
"Tayuman! Tayuman!" sigaw nang barker habang pababa ako nang sinakyan kong dyip. Pupungas pungas pa ako pagkat kagigising ko lamang bago ako bumaba, Hindi naman mahaba yung byahe papuntang Lardizabal o Zabal para sa mga tamad bumangit nang pagkahaba habang pangalan nang isang kalye sa Sampaloc, Manila. Nagkataon lang na maaga ang pasok ko tuwing biernes nang umaga, kaya alas kwatro pa lang ay gising na ako... malayo rin kasi ang byahe mula Meycauayan, Bulacan papunta sa aking Unibersidad sa Sta. Mesa. Malamig ang umagang iyon, kaya madali akong sinaniban nang antok... kaya pala malamig... madilim na naman ang langit at nagbabadya itong bumagsak.
At yun na nga, sa gitna nang kanto nang Vicente Cruz at Lardizabal, bumagsak ang ulan na para bang pinipigilan lang nang isang mahunang kahoy na biglang naputol... Walang sabi sabi... parang isang drum na nagyeyelong tubig ang idinilig na gitna nang kalye... Maiingit sana ako sa mga may payong, ngunit kaalinsabay nang Ulang ang malakas na ihip nang Hangin... tikwas ang mga three-folds na payong at tinangay naman ang mga palda nang mga kasabay kong estudyante nang Tourism sa Jasmin Building ng PUP.
Gusto ko sanang sumilong, ngunit mahuhuli na ako sa klase, bahala na... sinugod ko ang ulang... Tumakbo ako papuntang Ramon Magsaysay Boulevard...
"Hoy!" sigaw nang isang mama na natalsikan nang tubig nang lumanding ang paa ko sa naipong tubig ulan sa butas nang kalye... sa loob loob ko..."Sorry po, nagmamadali lang"
Basang basa ako, sabon na lang ang kulang ay maari nang labhan nag mga sout kong damit...pati na brief.
Malamang mangungulontuy na naman si "tutuy"
Nakuha kong sumilong sa isang overpass... at dun ko muling napansin ang kulay abong langit nang kamaynilaan...nakakatuwang pag masdan ang mga tao na biglang bumibilis sa kanilang pagkilos pag inaabotan nang ulan... parang yung mga langgam na iniihian ko noong bata pa ako, para bang nabibigyan sila nang kakaiabang inerhiya, tuwing papatak ang ulan sa kanilang mga bunbunan at nakalimutan nilang mag bitbit nang payong.
Sa pagbabako sa overpass, upang muling harapin ang ulan... bigla kong naalala yung isa kong nabasa na maganda daw parasa Maynila ang Umulan nag madalas, upang malinis ang mga pulusyon at mawala ang dumi sa hangin...parang salungat sa napapansin ko...
Pag umuulan, madalas ang trapik... ergo...lalong dadami ang usk na ibubuga sa kalye, pag bumabaha (at sa maynila..may umihi lang na isang daang katao ay bumabaha na) lalong dumudumi ang mga kalye...
*tsk*
*tsk*
*tsk*
Tandang tanda ko nung inabutan kami nang Ulan doon sa Mascomm... bumaha sa Sta. Mesa (actually, lumubog ang buong Maynila noong araw na yun) dahil sa pesteng paghihintay sa isa naming kaklase (na nakikipag-sex pala kaya na late) Wala kaming choice, nag hintay kami hanggang alas syete nang gabi (nag simulang umulan nang alas-onse nang umaga). Pero parang Gera ni Bush, ayaw paawat ang ulan... nagpasya kaming magkakaklase na umuwi na lang sa pinakamalapit na bahay nang isa sa aming mga kaklase at doon magpalipas nang magdamag...
-TSARAN-
Dinaig ang Atlantis sa nakita naming sitwasyon nang Maynila... hanggang baywang ang baha, umaagos... nakahinto ang lahat nang sasakyan na ultimo mga Bus ay hindi makatuloy. (Medyo may katankadan ako, yung baywang ko ay dibdib na nang iba kong kaklase.) Para kaming nasa Amzing race sa pagtawid namin sa bawat kalye (Actually pwede rin i-compare sa Fear Factor kasi maykasabay kang Basura ang mga ipis at Daga habang linulusong namin yung baha).
Tulad ngayon, basa rin ang brief ko nun, lahat nang gamit ko... tapes, walkman, notebooks (na puno nang drawings) Libro tunkol sa pag po-photoshop (gayung Masscomm ako) at mga cheat codes at walk-through nang mga paborito kong laro sa PC.
Patay, makikitulog ako sa bahay nang kaklase kong babae, at sa lahat nang mga bsang sisiw namakikituloy sa bahay na yun (labing apat kaming magkakaklase na nagpasyang makituloy muna) ako lang ang lalake...
Syempre, sa labas ako natulog... kawawa naman ako...at dahil walang baong brief... lamig na lamig yung tutuy ko...
Nakakatuwang nakaka pikong yung pangyayaring yun, parang gusto mong isumpa yung mga hayop na nagtatapon nang basura sa mga ilog at kanal...parang gusto kong gilitan nang leeg yung mga opisyal ng gobyerno na nagpabaya sa tungkulin nila... gusto kong ibigti yung nasa Weather agencies dahil hindi nila agad sinabihan ang mga unibersisdad na ideklera na wala nang pasok para hindi na lang kami tumambay sa eskwelahan...
Well... talagang ganun...
Muli akong dinala nag aking mga paa sa kalsada patungo sa aming gusali... tumutulo pa rin ang mga patak nang ulan pababa nang aking mga buhok at damit...
binati ako nang isa kong kaklase. "San ka galing...?" Tanung nya sa akin
"Sa Ulan..."
Ngumiti sya sa pabiro ngunit sarkastiko kong tugon.
"Naku baka magkasakit ka nyan..." paalala nya sa akin.
"Hindi naman siguro..." sambit ko
......................
-
derive from a real experience...