Some of my "Creative" works... and their History...

Tuesday, March 16, 2004

Huling Kita

Hindi ko na wari
Kung ilang panahon na ang lumipas,
Kung hindi ko pa di sinasadya
Makita, syang litrato
Na muling nagbalik
Nang masaya’t mapait
Ngunit di kailanman malilimutan
Na mga alaala

Taong lumipas, tila ay kahapon lang
Nang kasama sa laro at aral
Kwento at away
Taong lumipas, ngunit di ganun katatagal
Upang madaling kalimutan
Ang puyat at kaba
Ang pagod at dusa

….

Naisin mang ibalik,
Daig pa ang suntok sa buwan
Ang pagsasama at damayan
Tuluyan nang alaala na lamang
Pagkat ang mga kasama
Ngaun ay nagsipag asawa na,
Pamilya at anak, at sya nang mahalaga

Hihintayin na meron pang
Paglalamayan
Upang magkaroon nang oras,
Na ikaw ay makita.

I made this crap, a few weeks after we manage to bury my father... it really sucks to realize that those people that you once share joy and laughter, tears and sorrow, could only visit you now when and only when... some one died or you perish yourself...